Bagong pagmimina, namamanang problema 


Sa paghahanap ng mga metal para sa pag-usbong ng malinis ng enerhiya sa Timog-Silangang Asya, ang karanasan ng mga komunidad sa Pilipinas, na mayaman sa nickel, ay maaaring magsilbing babala sa mga posibleng epekto sa kalikasan, kalusugan, at kabuhayan.

Larawan ng bayan ng Maasin sa Brooke’s Point, Palawan sa Pilipinas, kung saan nagmimina ang Ipilan Nickel Corp.

Larawan ng bayan ng Maasin sa Brooke’s Point, Palawan sa Pilipinas, kung saan nagmimina ang Ipilan Nickel Corp.

Tumataas ang tensyon sa Pilipinas dala ng pagmimina ng nickel, isang mineral na kailangan sa pagbuo ng mga teknolohiyang tumutugon sa krisis sa klima, sa mga lupain, kasama ang nabibilang sa mga katutubo.

Nagsisilbing babala sa buong Timog-Silangang Asya ang mga problemang hinaharap ng mga komunidad sa Pilipinas, kaugnay sa paghahanap sa mga mineral na kailangan sa pag-usbong ng malinis na enerhiya at ang paglitaw ng mga kaakibat na suliraning panlipunan at pangkalikasan. Posible ba ang makatarungang pag-unlad?

Lulan ang nickel ore ng dalawang barkong nakadaong sa Maasin, isang bayan sa probinsya ng Palawan sa Pilipinas. Makikita ang tumagas na dumi mula sa nasabing metal sa karagatan. Nakatakda itong iluwas sa Guangdong Century Tsingshan Nickel Industry Co. sa China.

Lulan ang nickel ore ng dalawang barkong nakadaong sa Maasin, isang bayan sa probinsya ng Palawan sa Pilipinas. Makikita ang tumagas na dumi mula sa nasabing metal sa karagatan. Nakatakda itong iluwas sa Guangdong Century Tsingshan Nickel Industry Co. sa China.

S a isang pier sa katimugang bahagi ng Palawan nakaabang ang dalawang barko. Sa ilang oras, kakargahan sila ng nickel ore upang i-export. Nagmula ang naturang mineral sa isang bagong minahan, sa lupaing itinuturing na sagrado para sa mga katutubo ng Palawan sa Pilipinas. Mula sa itaas, ang tanawin ng mga palayan at puno ng niyog ay napalitan na ng pulang laterite.

Naging mahirap ang pagsasaka at paghuli ng mga alimango, na nagsisilbing kabuhayan ng tribong Pala’wan sa barangay ng Maasin sa bayan ng Brooke’s Point. Ayon sa mga residente, nakontamina ang mga kalapit na pinagkukunan ng tubig dulot ng polusyon mula sa pagmimina, katulad ng residue sludge.

Kung hindi nila kami babayaran para sa mga taong nawalan kami ng kita, dapat nila kaming bigyan ng bagong pangkabuhayan.
Alayma Tambiling, katutubong residente, Brooke’s Point

Si Tambiling sa dalampasigan ng Barangay Maasin sa Brooke’s Point, Palawan kung saan siya nanghuhuli ng mga alimango bilang kaniyang kabuhayan. Sa kaniyang likuran ay mga barkong nagkakarga ng nickel mula sa minahan ng Ipilan Nickel Corporation. 

Si Tambiling sa dalampasigan ng Barangay Maasin sa Brooke’s Point, Palawan kung saan siya nanghuhuli ng mga alimango bilang kaniyang kabuhayan. Sa kaniyang likuran ay mga barkong nagkakarga ng nickel mula sa minahan ng Ipilan Nickel Corporation. 

Ayon kay Alayma Tambiling, isang single mother sa kaniyang anim na anak at halos 40 taon nang residente ng Maasin, “mahirap tignan” [“painful to watch”] ang patuloy na pagmimina sa kanilang lugar. Inalok siya ng US$2,000 ng Ipilan Nickel Corporation (INC), isang lokal na kumpanyang nagpapatakbo ng minahan at isang subsidiary ng Global Ferronickel, bilang kabayaran sa kanilang paggamit ng kaniyang lugar bilang daungan at punto ng pagkakarga ng nickel ore, ngunit tinanggihan niya ito. 

Sinabi ni Tambiling sa INC na kulang ang inalok nito bilang kompensasyon sa pagkawala ng kaniyang kabuhayan. Ayon sa kaniya, tumugon ang INC na dapat siyang maging “matalino sa pagba-badyet ng pera” [“budget the money wisely”]. 

“Kung hindi nila kami babayaran para sa mga taong nawalan kami ng kita, dapat nila kaming bigyan ng bagong pangkabuhayan,” [“If they cannot pay us for all the years of lost earnings they should at least provide us with an alternative livelihood,”] sabi niya. 

“Pero kahit gawin nila ito, maaapektuhan pa rin ang aming kalusugan dahil sa polusyon mula sa minahan. Dapat nilang isama iyon sa kanilang kompensasyon sa amin,” [“But even if they do, our health will suffer from all the pollution from the mine. They should be compensating us for that too,”] dagdag niya. 

Sumisisid si Alayma Tambiling at ang kaniyang kapatid upang humuli ng mga alimango. 

Sumisisid si Alayma Tambiling at ang kaniyang kapatid upang humuli ng mga alimango. 

Nasa Pilipinas ang panlima sa pinakamalaking reserba ng nickel, isa sa mga mineral na kailangan sa paglikha ng mga teknolohiyang kaakibat sa malinis na enerhiya, katulad ng mga wind turbine – na magiging triple ang ililikhang kuryente sa susunod na dekada, at mga electric vehicle – na dadami nang hanggang sampung beses. Nag-uunahan ang mga bansa at korporasyon sa paghahanap ng mga mineral, kabilang ang lithium at cobalt, habang bumibilis ang pagtaas ng demand kumpara sa supply.  

Kailangan ang mga nasabing mineral at teknolohiya upang limitahan ang global warming o pag-init ng mundo sa higit na mas mababa sa 2 antas Sentigrado, na pinagkasunduan ng buong mundo bilang bahagi ng Paris Agreement noong 2015. 

Mga potensyal na pagbabago sa demand ng mga mineral na kailangan sa pag-usbong ng malinis na enerhiya. Tumutukoy ang SDS sa Sustainable Development Scenario ng IEA, na tumutugma sa mga layunin ng Paris Agreement. Datos: International Energy Agency

Magiging mas mataas ang demand para sa nickel kaysa sa supply sa 2024, at posibleng magkaroon ng kakulangan sa 2026, ayon sa Rystad Energy ng Norway. Ayon sa International Energy Agency (IEA), posibleng magkaroon ng kakulangan sa lithium at cobalt sa 2025. 

Mga wind turbine sa North Sea. Larawan: Flickr/ Martin Pettitt.

Mga wind turbine sa North Sea. Larawan: Flickr/ Martin Pettitt.

Paano ginagamit ang energy transition minerals? 

Ginagamit ang nickel upang lumikha ng mga lithium-ion na baterya para sa mga de-kuryenteng sasakyan o electric car. Nakatutulong ang naturang metal upang dumaloy ang kuryente sa baterya. Dahil sa ganitong abilidad, maaari ring gamitin ang nickel sa paglikha ng enerhiyang clean hydrogen. Pinatitibay rin nito ang stainless steel, na dahilan kung bakit ginagamit ito sa pagbuo ng mga wind turbine at reactor sa mga plantang nuclear

Dumadaloy sa mga lithium-ion na baterya ang charged lithium particles na ginagamit sa pagpapatakbo ng mga electric car at pag-iimbak ng enerhiya sa mga solar panel

Nakatutulong ang cobalt upang pigilan ang lubusang pag-init at iwasan ang sunog sa mga baterya. Kailangan din ito sa paglikha ng malalakas na magnet para sa mga wind turbine

Ginagamit rin sa transisyon patungo sa malinis na enerhiya o energy transition ang mga rare earths, at mga metal na ginagamit sa mga kable at mga load-bearing na istruktura, kagaya ng copper at aluminium. Bagaman hindi sila bihira, matindi ang demand sa mga nasabing mineral na nakaaapekto sa mga supply chain

Para sa mga komunidad malapit sa mga reserba ng mineral, maaari silang makaranas ng pagkasira ng kagubatan, kakulangan sa tubig, at kemikal na polusyon – batay sa pagsusuri ng Eco-Business sa Maasin. 

Napapaloob ang proyekto ng INC sa Mount Mantalingahan-Pulot Range. Para sa tribong Pala’wan, nawala na ang pagiging sagrado ng kabundukan. 

Binatikos ang pagtatayo ng minahan nang magsimula ang proyekto noong 2018. Ipinagiba ng dating alkalde ng Brooke’s Point ang mga pasilidad ng INC dahil sa umano’y kawalan ng mga permit. Ngunit dahil sa paghahain ng kaso ng kumpanya, nasuspinde siya sa kaniyang posisyon. 

Nagpatuloy ang operasyon sa minahan, habang naging bise-alkalde ang nabanggit na opisyal. 

Sa timog ng Brooke’s Point ang bayan ng Bataraza, kung saan nag-aalala ang mga residente ng Sumbiling sa posibleng paglaki ng minahan sa loob ng Mount Bulanjao Mountain Range, na pag-aari ng Rio Tuba Nickel Mining Corp. (RTMC). May operasyon din sa lugar ang ibang malalaking kumpanya katulad ng Berong Nickel Corporation sa Quezon at Citinickel Mines and Development Corporation sa Narra. 

Maraming oportunidad ang nakaabang sa mga minero ng nickel sa Pilipinas upang tumugon sa mga bansa, lalo na ang China at mga bansa sa Europe na umiiwas sa pagbili ng nasabing mineral mula sa Russia dulot ng pagsalakay nito sa Ukraine.  

Ngunit patuloy na nababalot sa kontrobersya ang industriya ng pagmimina dala ng kawalan ng pananagutan at katapatan, korapsyon, at kapabayaan sa pag-aalaga ng kalikasan. 

Makikita sa iba’t ibang komunidad sa Pilipinas ang tindi ng epekto ng pagmimina ng nickel, kabilang ang tensyon sa pagitan ng pag-unlad, kultura, at kalikasan, lalo na sa mga isla sa katimugan ng bansa kung saan matatagpuan ang maraming minahan. 

Nag-aani ng niyog ang mga residente ng Barangay Maasin

Nag-aani ng niyog ang mga residente ng Barangay Maasin

Nag-aani ng niyog ang mga residente ng Barangay Maasin

Ang minahan ng Ipilan Nickel Corp. sa Barangay Maasin, na may nakalantad na pulang lupain, ay nasa tabi ng kagubatan kung saan nakatira ang komunidad ni Tambiling.

Ang minahan ng Ipilan Nickel Corp. sa Barangay Maasin, na may nakalantad na pulang lupain, ay nasa tabi ng kagubatan kung saan nakatira ang komunidad ni Tambiling.

Ang minahan ng Ipilan Nickel Corp. sa Barangay Maasin, na may nakalantad na pulang lupain, ay nasa tabi ng kagubatan kung saan nakatira ang komunidad ni Tambiling.

Ang pangunahing highway at mga kalsadang nakapaligid sa Rio Tuba Nickel Mining Corp (RTMC) sa Bataraza ay puno ng red laterite soil mula sa nickel ore. Nakapagpatayo ang RTMC ng mga daanan, palengke, paaralan, at ospital sa munisipalidad.

Ang pangunahing highway at mga kalsadang nakapaligid sa Rio Tuba Nickel Mining Corp (RTMC) sa Bataraza ay puno ng red laterite soil mula sa nickel ore. Nakapagpatayo ang RTMC ng mga daanan, palengke, paaralan, at ospital sa munisipalidad.

Ang pangunahing highway at mga kalsadang nakapaligid sa Rio Tuba Nickel Mining Corp (RTMC) sa Bataraza ay puno ng red laterite soil mula sa nickel ore. Nakapagpatayo ang RTMC ng mga daanan, palengke, paaralan, at ospital sa munisipalidad.

Nagtatanim ng palay ang mga manggagawa mula sa mga katutubong komunidad sa isang binubuhay na kagubatan ng Rio Tuba Nickel Mining Corp (RTMC) sa Bataraza.

Nagtatanim ng palay ang mga manggagawa mula sa mga katutubong komunidad sa isang binubuhay na kagubatan ng Rio Tuba Nickel Mining Corp (RTMC) sa Bataraza.

Nagtatanim ng palay ang mga manggagawa mula sa mga katutubong komunidad sa isang binubuhay na kagubatan ng Rio Tuba Nickel Mining Corp (RTMC) sa Bataraza.

Ikinakarga ang nickel ore sa mga truck sa isang open-pit mine ng Rio Tuba Nickel Corp.

Ikinakarga ang nickel ore sa mga truck sa isang open-pit mine ng Rio Tuba Nickel Corp.

Trucks load nickel ore in the open-pit mine of Rio Tuba Nickel Corp.

Aabot sa 46 na bagong aplikasyon sa pagmimina ng nickel ang naihain na sa pamahalaan. Marami sa mga plano ang nakasentro sa mga isla sa Luzon, kabilang ang Palawan

Isinumite ang mga aplikasyon matapos alisin ang moratorium sa pag-apruba ng mga bagong permit sa pagmimina na tumagal ng siyam na taon, bilang hakbang ng gobyerno na palakasin ang ekonomiya ng bansa sa kabila ng mga epekto ng pandemyang Covid-19.

Matatagpuan sa pagitan ng South China Sea at Sulu Sea ang Palawan, na itinuturing na huling paraiso sa Pilipinas at tahanan ng 105 na nanganganib species ng hayop at halaman. 

May limang kasalukuyang proyekto ng pagmimina ng nickel sa lalawigan, kabilang ang operasyon ng Ipilan Nickel Corporation (INC) sa Brooke’s Point, at ng Rio Tuba Mining Corp. In Bataraza.

Sa Bataraza, lumalawak ang operasyon ng Rio Tuba Mining Corporation, upang tugunan ang demand sa nickel ng mga bansang kagaya ng China at Japan. Matatagpuan ito sa mga lugar na idineklara ng mga awtoridad sa Palawan na “areas of maximum protection” sa Mt. Bulanjao. Hindi pinahihintulutan ang pagmimina dito upang protektahan ang mayamang saribuhay o biodiversity – lalo na ang mga hayop at halamang endemic o matatagpuan lamang sa lalawigan.

Ipinapahiwatig ng dilaw na linya ang hangganan ng planong pagpapalawak ng operasyon ng Rio Tuba sa Mt. Bulnajao sa Bataraza, Palawan. Makikita rin sa larawan ang kasalukuyang nasasakupan ng nangyayaring pagmimina.

Ipinapahiwatig ng dilaw na linya ang hangganan ng planong pagpapalawak ng operasyon ng Rio Tuba sa Mt. Bulnajao sa Bataraza, Palawan. Makikita rin sa larawan ang kasalukuyang nasasakupan ng nangyayaring pagmimina.

Isa sa mga pangunahing shareholder ng Rio Tuba Mining Corpoeration ang Sumitomo Metal Mining Co., ang pangunhaning supplier ng nickel para sa Panasonic. Ginagamit rin ang nickel sa paggawa ng mga lithium-ion na baterya na nagpapatakbo sa mga electric car ng Tesla at Toyota. 

Sa Brooke’s Point, lumuwas papuntang Guangdong, China ang 54700 wet metric tonnes (WMT) ng medium-grade nickel ore na paunang ipinadala ng Ipilan Nickel Corporation. Aabot sa 500,00 WMT ang target bawat taon at inaasahang tataas ang produksyon sa mga susunod na taon.

May malaking at lumalaki pang nickel footprint ang mamimiling kumpanya – ang Guangdong Century Tsingshan Nickel ng China. Subalit sa mismong China, napagbawalan na ito ng pamahalaan sa pagpapatakbo ng mga planta sa paglikha ng bakal dahil sa paglabag nito sa mga batas pangkalikasan. 

Itinuturing ng kasalukuyang administrasyon na isang “key driver” ng paglago ng ekonomiya ang sektor ng pagmimina, ayon kay Benjamin Diokno, kalihim ng kagawaran ng pananalapi. 

Nangako ang pamahalaan ng mas mapabuting pagpapatupad ng mga hakbang, katulad ng muling pagsali ng Pilipinas sa “Extractive Industries Transparency Initiative” na pinangungunahan ng Norway, na nagsusulong ng matapat na pag-uulat ng datos at pagsama sa mga kinatawan ng lipunan sibil sa pagbuo ng mga desisyon. May mga batas na ring nagmamandato sa mga minero na magbigay ng alternatibong kabuhayan sa mga maaapektuhang komunidad – mga hakbang na ayon sa INC at RTMC ay kanila nang naipatupad. 

“Basta sumunod ang mga kumpanya sa mga polisiya, katulad ng pagsisigurong may trabaho ang mga apektadong komunidad, naniniwala akong posible ang responsableng pagmimina,” [“As long as the mines abide by these policies, for example by ensuring that the people being displaced are going to have jobs, I believe that responsible mining is possible,”] sabi ni Christian Arranz, isang eksperto sa pagmimina mula sa Unibersidad ng Pilipinas. 

Tumutukoy ang responsableng pagmimina sa pagkuha ng mga mineral na hindi lubusang nakasisira sa kalikasan at estado ng mga katabing pamayanan. Kabilang din dito ang pagkonsulta sa mga komunidad. 

Ngunit binabatikos ng mga kritiko ang kaugnayan ng mga minero sa ilang opisyal ng pamahalaan, kabilang ang ilang senador. Pinupuna ng mga grupong kagaya ng Philippine Misereor Partnership ang muling pagtutulak sa pagmimina, sa kadhilanang hindi malaki ang kontribusyon ng industriya sa paglikha ng trabaho at paglago ng ekonomiya. 

Humigit-kumulang 1 porsyento ang kontribuyson ng pagmimina sa gross domstic product ng Pilipinas noong 2021. Ayon sa Philippine Misereor Partnership, lumilikha lamang ng 205,000 na trabaho bawat taon ang nasabing sektor sa bansang may higit sa 75 milyong may kakayahang magtrabaho. 

Naiulat ang hindi striktong pagsunod ng mga minero sa Pilipinas sa mga patakaran sa nakalipas na mga taon. Sa kasagsagan ng pagbabawal sa pagmimina sa ilalim ng dating Kalihim ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman na si Gina Lopez noon 2016, sinuspinde ang tatlong minahan ng nickel sa loob ng isang linggo dahil sa pinsalang naidulot nito sa mga koral o kagubatan. 

May masalimuot na kasaysayan ang Timog-Silangang Asya pagdating sa pagmimina, na aabot sa ilang siglo ang nagdaan.

Isang minahan ng copper sa Sabah, Malaysia. Imahe: Flickr/Cephoto, Uwe Aranas.

Isang minahan ng copper sa Sabah, Malaysia. Imahe: Flickr/Cephoto, Uwe Aranas.

Pumasok sa pandaigdigang merkado ang Pilipinas at Indonesia, ang dalawang tradisyunal na pinagkukunan ng nickel sa rehiyon, kalahating-siglo na ang nakararaan bilang pagtugon sa demand sa paggawa ng bakal at mga makabagong teknolohiya. 

Maliban sa mga naturang bansa at Papua New Guinea, hindi nakatuon dati ang mga mata ng mundo sa Timog-Silangang Asya pagdating sa nickel.  

Dala ng krisis sa klima, nagkaroon ng mas masigasig na paghahanap ng mga energy transition mineral, at bumuo ng mga bagong supply chain labas sa mga kasalukuyang pinagkukunan na bansang katulad ng Chile at Democratic Republic of Congo. Dahil dito, maraming minero ang nais magsatupad ng operasyon sa Timog-Silangang Asya. 

Sa lalawigan ng Southern Phang Nga sa Thailand na katabi ng Andaman Sea, naghahanap ng lithium sa dalawang lugar ang Pan Asia Metals, na nakabase sa Singapore at nakalista sa Australia.

Datos: Pan Asia Metals.

Datos: Pan Asia Metals.

Sa Reung Kiet, isang lumang minahan ng tin, nabigyan ito ng pahintulot noong 2019 na magsagawa ng exploratory drilling sa isang lugar na may sakop na 40 km2

Datos: Pan Asia Metals.

Datos: Pan Asia Metals.

Nagsumite rin ng aplikasyon ang Pan Asia Metals noong nakaraang taon na maghanap ng lithium sa Kata Thong, na may layong 40 km sa hilaga ng Reung Kiet. Katabi ng proyekto sa Kata Thong ang dalawang national park at ang Ton Pariwat wildlife sanctuary

Dumarami ang mga gustong magmina dito. Noong Pebrero 2022, nag-anunsyo ang Matsa Resources, na nagmula rin sa Australia, na nakakuha ito ng lisensya upang maghanap ng lithium sa loob ng 900 km2 na lupain. Ilang bahagi nito ay katabi ng lugar kung saan may operasyon ang Pan Asia Metals. 

Datos: Matsa Resources.

Datos: Matsa Resources.

Ayon sa kumpanya, madalas ang pakikipag-ugnayan nito sa mga opisyal ng Thailand na may hurisdiksyon sa kagubatan at agrikultura. Nagsasagawa rin sila ng mga hakbang upang ipatupad ang mga aktibidad “kung saan mayroong nakaraang abala” [“where previous impediments existed”]. Hindi tumugon ang Matsa sa mga katanungan. 

May nasasakop na lupain para sa turismo, tulad ng mga hotel at rafting, ang proyekto ng Pan Asia Metals at Matsa. Habang hindi tumugon ang Matsa, sinabi ni Lock na “kung hindi pa, kailangang konsultahin ang may-ari ng lupa o negosyo” [“if not yet, then at some point the business owner or landlord would need to be consulted”] bago sila bigyan ng pahintulot na maghanap ng mineral. 

Tumitindi rin ang pagmimina sa Vietnam. Nagkaroon ng ilang pagtitigil ng operasyon mula noong 2008 sa isang minahan sa lalawigan ng Son La, na may layong 160 km sa kanluran ng Hanoi. Ngunit kamakailan, nagpahayag ang Blackstone Minerals mula sa Australia ng pagnanais na magtayo ng open-pit na minahan katabi ng naunang naitayo.  

Nakatakdang magsimula ang operasyon nito sa 2025. 

Interesado rin ito sa pag-angkin sa Chin Van, isang lupaing 10 km ang layo sa minahan sa Ban Phuc. Inaprubahan ng pamahalaan ng Vietnam ang planong exploratory drilling noong Abril 2022. 

Sa timog nito, sa probinsya ng Quang Ngai sa kalagitnaan ng Vietnam, may natagpuang lithium ang ekspedisyong pinangungunahan ng gobyerno sa distrito ng La Vi. Mula nang madiskubre noong 2009, nagsagawa ng ilang pag-aaral ang mga lokal na institusyon at mga grupong mula sa Germany, South Korea, at Estados Unidos. Hindi malinaw kung mayroong korporasyong nagpaplanong kunin ang reserba ng mineral. 

Mga sakahan at burol sa lalawigan ng Quang Ngai. Imahe: Flickr/ manhhai.

Mga sakahan at burol sa lalawigan ng Quang Ngai. Imahe: Flickr/ manhhai.

Mga sakahan at burol sa lalawigan ng Quang Ngai. Imahe: Flickr/ manhhai.

Sa kanlurang Laos, naghahanap ng nickel, cobalt, at ginto ang Santana Minerals mula sa Australia sa isang lugar sa probinsya ng Sainyabuli.  

Marami nang naisagawang pagkuha ng copper at ginto dito, na may katabing biodiversity conservation area

Noong 2020, nagdesisyon ang kumpanya na limitahan ang operasyon nito sa Laos, dahil sa posibleng presyo sa merkado na hindi pabor sa kanila. Tuluyang itinigil ng kumpanya ang kanilang proyekto sa mga unang buwan ng 2021. 

Matapos ang kudeta sa Myanmar noong Pebrero 2021, maraming itinigil na proyekto ng mga banyaga na nagdulot ng paghinto sa pagpasok ng mga proyekto ng mga kumpanya mula sa Kanluran, magmula nang alisin ang mga trade embargo noong nakaraang dekada. 

Isang halimbawa nito ang AsiaBaseMetals mula sa Canada, na umalis sa merkado ng Myanmar dahil sa Covid-19 at umiiral na kawalan ng katiyakan sa merkado. Naghanap ito ng lithium sa kalagitnaan ng Myanmar, malapit sa mga komunidad ng Thazi at Hlaingdet. Sinabi nito na ipinapatupad ang nasabing operasyon dahil napaliligiran ang bansa ng China at India, dalawa sa pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo na mataas ang demand para sa mga baterya.

May operasyon naman ang Mallee Resources, isang kumpanya mula sa Australia na dating kilala bilang Myanmar Metals, sa isang dating minahan sa Bawdwin mula noong 2017. Nag-ulat ito na nakahanap ng nickel at cobalt sa naturang lugar. Umiwas ang Mallee Resources sa proyekto matapos ang kudeta. 

Samantalang patuloy ang aktibidad sa Myanmar ng mga kumpanya mula sa China. Sa Mount Tagaung sa Malanday, tumatakbo pa rin ang pinakamalaking minahan ng nickel sa bansa, na may kasalukuyang kapasidad na 70 porsyento. Ito ay pagmamay-ari ng China Nonferrous Metal Mining at Taiyuan Iron & Steel.

Ayon kay Nguyen Thi Hoai Nga, isang eksperto sa pagmimina na kasalukuyang associate professor sa Hanoi University of Mining and Geology, dumadagsa ang pamumuhunan ng mga banyaga para sa mga energy transition mineral sa ilang bansa sa Timog-Silangang Asya dala ng pagpapahiwatig ng kanilang mga pamahalaan. 

“Gustong mamuhunan ng ibang bansa sa Timog-Silangang Asya dahil alam nilang gustong magmina ng Timog-Silangang Asya,” [“Other countries want to invest in Southeast Asia because they know that Southeast Asia still wants to mine,”] sabi niya. Nagpahayag ang Vietnam and Thailand na gusto nilang lumikha ng mga electric vehicle

Mas mura ang pagsasagawa ng operasyon sa Timog-Silangang Asya kumpara sa mga mayayamang bansa. 

“Nasa Timog-Silangang Asya kami dahil gusto naming maging mapagkumpitensya,” [“The reason we are in Southeast Asia is that we want to be competitive,”] sabi ni Lock mula sa Pan Asia Metals sa isang investment talkshow, at nagpatuloy sa kaniyang pahayag na “mababa sa cost curve” [“low on the cost curve”] ang mga proyekto sa rehiyon at nagpapalapit ng kumpanya sa kanilang mga mamimili. 

May kaakibat itong panganib. Isang halimbawa pagdating sa mga suliranin ng pagmimina ang sitwasyon sa Myanmar, sa rehiyong may kakulangan sa pagpapatupad ng mga batas at pagprotekta sa karapatang pantao. Sa ulat ng isang grupo mula sa Australia, nagbigay ang mga Tsinong mamumuhunan sa pagmimina ng US$725 milyon sa militar ng Myanmar noong 2020 at 2021. 

Mayroon na ring mga isyu sa pamamahala at pag-aalaga sa kapaligiran bago ang kudeta. Nagpapatupad ng sariling mga patakaran at kabayaran ang mga armadong grupong etniko sa bansa. Inirereklamo rin ng mga komunidad malapit sa minahan ng Tagaung Taung ang umano’y iligal na pagkuha ng lupa at polusyon sa tubig. 

“Hindi ko alam kung may malaking pagkakaiba sa kanila kung mapupunta [ang mga mineral] sa mga electric car. Hindi ko alam kung mahalaga ito para sa mga tao,” [“I do not know if it makes a huge amount of difference to them if [these minerals] go into electric cars. I do not know if it is something that would resonate very much with the people,”] ayon kay Edith Mirante, direktor ng mga proyekto para sa Project Maje, isang publikasyon sa Myanmar na nakatuon sa karapatang pantao at pangkalikasan. 

Hindi pantay-pantay ang pagprotekta sa mga komunidad sa iba’t ibang panig ng Timog-Silangang Asya kaugnay sa pagmimina. Hindi tuluyang malinaw ang pagprotekta sa mga katutubo sa Vietnam at Thailand, bagaman nakasaad sa ilang sugnay sa kanilang mga batas sa pagmimina ang patungkol sa kapakanan ng kapaligiran at mga komunidad. 

“Maraming malalaking korporasyon, sa nagdaang mga taon, ang nagbawas ng kanilang operasyon sa ilang lugar na mayaman sa mineral sa Timog-Silangang Asya dahil kinonsidera nila, tama man ang kadahilanan o hindi, na magiging mahirap ang pagnenegosyo sa mga lugar na ito habang tumutupad sa mga pandaigdigang compliance at anti-corruption standard,” [“Many large corporations have, over the years, scaled back their operations in certain mineral-rich Southeast Asian jurisdictions as they considered, rightly or wrongly, that it would be difficult to operate in such jurisdictions whilst remaining compliant with all of the high-level global compliance and anti-corruption standards they are subject to,”] sabi ni Dan Perera, isang eksperto sa enerhiya at mineral sa law firm na Hfw. 

Hindi tumugon ang Blackstone Minerals, Santana Minerals, AsiaBaseMetals, at Mallee Resources sa aming mga katanungan tungkol sa kanilang operasyon sa Timog-Silangang Asya. Sumagot si Lock ng Pan Asia Metals na higit pa sa kinakailangan ang ginagawa ng kaniyang kumpanya sa Thailand, sa pamamagitan ng isang likas-kayang istratehya na may kasamang programa para sa mga paaralan at pagsasanay laban sa korapsyon sa kanilang ranggo. 

Ayon sa ilang mga grupo, ang pinakamalaking panganib sa Timog-Silangang Asya pagdating sa pagmimina ng mga energy transition mineral ay ang pang-aabuso sa karapatang pantao. Base sa datos na isinapubliko noong Mayo ng isang grupo, aabot sa 500 kaso ng pag-abuso na may kinalaman sa pagmimina ng mga energy transition mineral ang naitala mula 2010 hanggang 2021, kabilang ang 33 kaso mula sa Pilipinas, Indonesia, at Myanmar na madalas ay may kinalaman sa pagmimina ng copper at nickel

Naniniwala si Pochoy Labog, isang mananaliksik na naging bahagi ng nabanggit na pag-aaral, na mas mataas pa ang tunay na numero. Nakabase si Labog sa Pilipinas, at sinasabi niyang mayroong pagsupil sa mga tagapagtanggol ng karapatang pantao at espasyo ng lipunang sibil na nakadadagdag sa panganib na hinaharap ng mga nag-uulat ng pang-aabuso. 

“Hindi tuluyang nakukuha ng mga numero ang buong kuwento,” [“The numbers now are just scratching the surface,”] sabi niya, habang idinidiin na maraming aktibista na ang nabansagang terorista o komunista ng mga awtoridad at nakaapekto ito sa pagsalungat ng kilusan sa pagmimina. Palaging kasama ang Pilipinas sa mga bansang pinakamapanganib sa mga tagapagtanggol ng karapatang pantao. 

Rio Tuba Mining Corp is planning to expand its operations in Mt Bulanjao in Bataraza.

Nagpaplano ang Rio Tuba Mining Corp. na palawakin ang kanilang operasyon sa Mt. Bulanjao sa Bataraza.

Nagpaplano ang Rio Tuba Mining Corp. na palawakin ang kanilang operasyon sa Mt. Bulanjao sa Bataraza.

Isang batang residente sa may paanan ng Mt. Bulanjao sa Bataraza.

Isang batang residente sa may paanan ng Mt. Bulanjao sa Bataraza.

Ang national highway ng Bataraza na itinayo ng Rio Tuba Mining Corp.

Ang national highway ng Bataraza na itinayo ng Rio Tuba Mining Corp.

Item 1 of 3
Rio Tuba Mining Corp is planning to expand its operations in Mt Bulanjao in Bataraza.

Nagpaplano ang Rio Tuba Mining Corp. na palawakin ang kanilang operasyon sa Mt. Bulanjao sa Bataraza.

Nagpaplano ang Rio Tuba Mining Corp. na palawakin ang kanilang operasyon sa Mt. Bulanjao sa Bataraza.

Isang batang residente sa may paanan ng Mt. Bulanjao sa Bataraza.

Isang batang residente sa may paanan ng Mt. Bulanjao sa Bataraza.

Ang national highway ng Bataraza na itinayo ng Rio Tuba Mining Corp.

Ang national highway ng Bataraza na itinayo ng Rio Tuba Mining Corp.

Isa pang suliranin sa Pilipinas ang kahinaan ng pagpapatupad ng mga mekanismong nagpoprotekta sa kalikasan at mga komunidad pagdating sa pagmimina, kahit na nasa batas ang mga ito. 

Sa Bataraza, kung saan nagmimina ang Rio Tuba Mining Corp. (RTMC), inuulat ng mga residente na hindi sila nakatatanggap ng royalty, na nakamandato sa batas

Batay sa pagmamasid ng Eco-Business sa pagbisita nito sa minahan ng RTMC, malaki ang pagkakaiba ng salaysay galing sa mga indibidwal, lokal na liderato, kinatawan ng kumpanya, at opisyal mula sa Indigenous Peoples Development Office (IPDO), isang ahensyang itinayo sa bawat bayan na may tungkuling mamagitan pagdating sa pagbibigay ng royalty sa mga komunidad. Lantaran ang pagtuturuan at alegasyon ng korapsyon at maling paggamit ng pondo. 

Ayon sa isinapublikong datos ng RTMC, aabot sa US$4 milyon sa royalty ang ibinahagi sa 38 katutubong komunidad sa Bataraza, pero bumisita ang Eco-Business sa isang pamayanan sa paanan ng Mount Bulanjao kung saan sinasabi ng mga residente kagaya ni Jeminda Bartolome, 57 taong gulang, na hindi sila nakatanggap kahit isang sentimo.

Jeminda Bartolome at ang kaniyang asawa sa kanilang tahanan sa Bataraza. 

Jeminda Bartolome at ang kaniyang asawa sa kanilang tahanan sa Bataraza. 

“Ang aming kapitan ang nagdedesisyon kung sino ang makakakuha ng royalty at scholarship. Pinipili niya ang mga malalapit sa kaniya o ang mga kilalang pabor sa pagmimina,” [“Our chieftain chooses who to give the royalties and scholarships to. He gives it to those who are close to him or who he knows are pro-mining,”] sabi ni Bartolome sa Eco-Business

Kahit na nabanggit ng RTMC na mayroon silang mga hakbang upang direktang ibigay ang kabayaran sa mga residente upang maiwasan ang korapsyon, ibinahagi sa Eco-Business ni Bong dela Rosa, community relations manager ng minahan, na nililipat ng kumpanya ang pondo sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), isang ahensiya sa Pilipinas na responsable sa pagprotekta sa mga komunidad at ang kanilang mga karapatang pantao. 

Dahil hindi tuluyang malinaw ang nakalap na impormasyon, hindi nasundan ng Eco-Business ang daloy ng nabanggit na pondo, ngunit magkaslungat ang mga pahayag ng iba’t ibang indibidwal na kasama sa proseso sa Bataraza.

Regular na pagpupulong ng mga lider ng katutubo.

Regular na pagpupulong ng mga lider ng katutubo.

Bilang pagsagot sa aming katanungan, sinabi ni Velma Chollipas, na namumuno sa IPDO na akreditado ng mga awtoridad sa Bataraza, na sinusuri ng isang independiyenteng auditor ang mga pinansyal na ulat upang siguruhin na tama ang datos. 

Ayon kay Dado Corio, ang lokal na pinuno na ilang taong nang hinaharap sa mga akusasyon ng hindi-tamang paggamit ng pondo mula sa kaniyang mga kapitbahay, dapat managutan ang IPDO sa anumang iregularidad sa pamamahagi ng mga royalty, at ang mga nagpapatakbo ng ahensya ay hindi mula sa Palawan at, dahil dito ay hindi kinokonsidera ang interes ng mga residente. 

Ang resulta ay malawakang pagkalito, kahit malinaw sa batas na kailangang unahin ang pagprotekta sa karapatan ng mga katutubo o ibang lokal na komunidad bago ang anumang pagmimina. 

Bilang halimbawa, itinkada sa batas na kailangang magsagawa ng pampublikong pagpupulong ang anumang kumpanyang may balak na magmina sa isang lugar, at makakuha ng pag-sang-ayon mula sa mga residente. 

Kahit na may pahintulot mula sa NCIP, kailangan pa ring magsagawa ng mga environmental impact assessment at feasibility study bago ibigay sa kumpanya ang exclusive rights na magpatupad ng operasyon. 

Jeminda Bartolome kasama ang kaniyang mga anak at apo malapit sa kanilang palayan sa paanan ng Mount Bulanjao.

Jeminda Bartolome kasama ang kaniyang mga anak at apo malapit sa kanilang palayan sa paanan ng Mount Bulanjao.

Gusto namin ng patas. Kung gusto nilang magpalawak ng operasyon, hatiin natin ang bundok. Puwede naman silang magmina kung gusto nila, pero sana mag-iwan sila ng sapat para mayroon pa rin kaming kabuhayan
Jeminda Bartolome, katutubong residente, Bataraza

Gayunpaman, masasabing hindi gumanda ang buhay ng mga nakatira malapit sa mga palayan ng Bataraza. Naninirahan pa rin si Bartolome sa kubo, kasama ang kaniyang mga anak at apo, sa nakalipas na apat na dekada, at wala sa kanila ang nakatanggap ng scholarship ipinangako ng kumpanya. 

Ngunit aniya, hindi niya kailangan ng kabayaran o scholarship mula sa RTMC. 

“Gusto namin ng patas. Kung gusto nilang magpalawak ng operasyon, hatiin natin ang bundok. Puwede naman silang magmina kung gusto nila, pero sana mag-iwan sila ng sapat para mayroon pa rin kaming kabuhayan,” [“All we ask is for fairness. If they plan to expand, let’s divide the mountain. They can do their mining if they want, but leave us enough so that we get to keep our livelihood,”] sabi niya. 

Sa Brooke’s Point, kinikilala ni Tambiling ang reyalidad ng pagmimina sa kaniyang bayan. Marami sa mga residente ang tumanggap na sa inalok na kompensasyon at mga sako ng bigas ng Ipilan Nickel, at mukhang masaya sila sa kanilang natanggap. Kagaya ni Bartolome, simple lamang ang kaniyang hiling: 

“Nauunawaan ko na makabubuti ang pagmimina sa ating bansa. Magkakaroon ng teknolohiya upang mabawasan ang polusyon at maging mas malinis na kapaligiran. Pero puwede rin ba kaming alagaan ng kumpanya? Nararamdaman kong hindi kami mahalaga sa kanila.” [“I understand that mining is good for the country. It will mean technology for less pollution and cleaner surroundings. But can the mining company take care of us too? I feel that they see us as insignificant.”] 

Karagdagang pag-uulat nina Rhick Lars Albay at Robin Hicks. Read the story in English.

Sa Brooke’s Point, nagsagawa ng pagtatanghal ang mga mag-aaral at kanilang mga magulang ng tradisyunal na sayaw bilang pagdiriwang ng Buwan ng mga Katutubo.

Sa Brooke’s Point, nagsagawa ng pagtatanghal ang mga mag-aaral at kanilang mga magulang ng tradisyunal na sayaw bilang pagdiriwang ng Buwan ng mga Katutubo.